Inaasahang aakyat ng 5.5% ang consumer spending ng Pilipinas ngayong taon
Ito’y batay sa pagtaya ng S&P global ratings kung saan ang 5.5 % growth ay mas mababa pa rin kumpara nuong pre pandemic level na nasa 6 % .
Ayon sa Debt Watcher, unti-unting makakabawi ang consumer spending activity ngayon taon.
Hindi lamang ang pilipinas ang nakaranas ng mababang household spending bagkus, maging ang ibang ekonomiya, bunsod ng pagtaas ng interest rates ng mga bangko sa buong mundo.
Sa taong 2023, bumagal sa 5.6% ang household consumption kumpara sa 8.3% noong 2022.
Sinabi naman ng ekonomista ng standard chartered bank na si Jonathan Koh, nanatiling “resilient” Ang consumer spending ng bansa.