Walang pakinabang ang konsumer sa mga inaangkat na bigas.
Ito ang inihayag ni Agriculture Secretary Manny Piñol sa harap ng mga mungkahing mag-import ng bigas para punan ang suplay ng bigas sa bansa.
Ayon sa kalihim, tanging ang mga negosyante lamang ang nakikinabang, kumikita at yumayaman dahil sa pag-aangkat ng bigas na ang layunin sana ay para bumaba ang presyo ng commercial rice.
“Pumunta kayo sa palengke maghanap kayo ng estante diyan na may nakalagay…“eto bigas galing sa Vietnam, dahil imported rice ito may special price, mas mura ito kaysa commercial rice”, maghanap kayo kung may makikita kayo, anong totoo? pagdating dito kontrolado ng negosyante, sila ang nag-dedecide, ni-re-resack, nire-rebag and sold as commercial rice, so ano ang pakinabang ng consumers natin? It will not lower the price of rice in the market, it will make the rice traders richer but it will not affect the consumers.” Ani Piñol
Gayunman, inamin ni Piñol na malaking hamon sa pamahalaan na matukoy sa mga pamilihan kung alin ang mga inangkat at alin ang mga lokal na bigas.
“Mahirap eh kasi kung cellphone lang ito puwede nating lagyan ng bar code, eh bigas ito eh kapag pinalitan mo ang sako hindi mo na mahahalata.” Pahayan ni Piñol
—-