Pansamantalang ipinatigil ang mga laro sa Professional Sports partikular ang contact activities alinsunod sa kautusan ng Games and Amusements Board.
Ito’y bilang pagtalima sa ipinapatupad na Alert Level 3 ng inter-agency task force sa National Capital Region, Cavite, Rizal at Bulacan.
Ipinatitigil ng ahensiya ang mga aktibidad sa contact sports tulad ng boxing, MMA, Muay Thai, kickboxing, basketball, volleyball at football sa loob ng panahon ng Alert Level 3.
Ayon kay GAB Chairman Abraham Mitra, prayoridad ang kaligtasan at kalusugan ng mga atleta, opisyal at iba pang personnel na nasa mga liga at aktibidad ng mga Pro Leagues at iba pang sports.
Samantala, papayagan naman anya ang individual workout at training.