Inihayag ni contact tracing Czar at Baguio City mayor Benjamin Magalong na mahirap na mapanatili ang komprehensibong contact tracing dahil sa Omicron variant ng COVID-19.
Ayon kay Magalong, ang inirerekomendang ratio para sa contact tracer ay 1 is to 15 cases, ngunit dahil sa mas nakahahawang variant, ay itinaas ito sa 1 is to 30 o 1 is to 40.
Dahil dito, inirekomenda ni Magalong sa Department of the Interior and Local Government na atasan ang mga contact tracers na tukuyin na lamang ang first generation contacts ng COVID-19 cases.