Planong dagdagan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga contact tracers na nakatalaga sa Metro Manila.
Ayon kay DILG Usec. Jonathan Malaya, magtatalaga ng karagdagang 362 uniformed personnel mula Philippine National Police (PNP) sa Metro Manila.
Habang ang Bureau of Fire Protection (BFP) naman ay magbibigay ng dagdag na 100 tauhan— 40 tauhan sa Pasay City at 60 tauhan sa Quezon City.
Ang mga contact tracers sa NCR ay nasa kabuuang 802 tauhan na mula sa DILG at 300 tauhan naman mula sa MMDA.
Samantala, ani Malaya, mayroong sapat na bilang ng contact tracers para matugunan ang isinagawagang contact tracing dahil sa COVID-19.