Umakyat na sa 96% ang overall contact tracing capacity ng bansa laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Ito ang inihayag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) secretary Eduardo Año sa gitna ng pagpapatuloy na paglaban ng bansa sa COVID-19.
Gayunman, aminado si Año na mayroon pa ring pagsubok na hinaharap ang bansa sa contact tracing.
Gaya aniya sa Metro Manila kung saan nasa 76% pa lamang ang tracing capacity ng rehiyon.
Ibig sabihin aniya nito, sa bawat 100 pasyenteng nagpositibo sa COVID-19, 24% nito ay hinahanap pa.
Sinabi ni Año na nahihirapan din sila dahil sa umiiral na batas na nakapaloob sa data privacy sa bansa na kailangan sundin.