Iginiit ng National Task Force Against COVID-19 na mas mapapadali ang contact tracing kung papayag ang mga positibo sa virus na isapubliko ang kanilang pangalan.
Ayon kay Retired General Restituto Padilla, tagapagsalita ng National Task Force, ito ang sistemang ginamit ng Baguio City kaya mabilis nilang nate-trace at nate-test ang lahat ng nakasalamuha ng isang COVID-19 positive.
’Pag lumabas na ‘yung pangalan, alam na ng mga tao, ‘ay, nakahalubilo ko si ganito, si ganyan’, so, lalantad at lalapit sya ngayon sa ating mga ospital at mapapadali ‘yung ating contact tracing, at mapapadal idin ‘yung tinatawag nating pag-isolate sa mga may sakit para hindi na kumalat ang sakit,” ani Padilla. —sa panayam ng Ratsada Balita