Tuloy-tuloy ang pagsasagawa ng “active contact tracing” ng Department Of Health para malaman ang iba pang posibleng kaso sa bansa Lambda variant ng coronavirus.
Partikular na tinututukan nila, ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang pag alam sa pinagmulan ng lambda variant lalo na sa unang kaso nito.
Kukuha aniya sila ng samples sa nasabing lugar kung saan natukoy ang unang kaso ng lambda variant para mabatid kung mayruon nang ganitong klase ng variant at susubukan nilang tukuyin ang pinagmulan ng infection.
Sinabi ni Vergeire na posibleng may iba pang kaso ng lambda variant dahil may mga nakasalmuha na ang unang kaso na isang trentay singko anyos na buntis at residente ng Valladolid, Negros Occidental at walang travel history.
Kasabay nito, ipinabatid ni Vergeire na na maayos na ang kondisyon ng unang kaso ng Lambda at anak nito matapos makumpleto ang isolation.