Ipabibilang na rin ng pamahalaan ang third generation contacts ng lahat ng matutukoy na kaso ng bagong variant ng COVID-19 sa pagsasagawa ng contact tracing.
Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque, kasunod ng pagpapalawig sa contact tracing protocols upang hindi na kumalat pa ang bagong variant ng virus.
Ayon kay Roque, kailangang sumailalim pa rin sa mandatory at facility based 14 days quarantine ang lahat ng matutukoy na closed contact ng isang nagpositibo sa bagong variant.
Dapat ding sumailalim sa whole genome sequencing ng Department of Health (DOH), University of the Philippines (UP) Genome Center at UP National Institute of Health ang lahat ng magpopositibo sa COVID-19 maging bago man o original variant ang tinataglay nito.