Puspusan ang paghahanap ng mga awtoridad sa pangasinan sa mahigit 100 katao na nakasalamuha ng babaeng Filipino-Australian na nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon sa Center For Health Development Region 1, may hawak na silang listahan ng mga nagtungo sa dalawang reunion na dinaluhan ng nabanggit na babaeng pasyente.
Gayunman, patuloy pang inaalam ang address ng mga ito.
Samantala, mahigpit namang minomonitor ng mga awtoridad ang catering staff at iba pang nasa venue ng reunion kabilang na ang mga miyembro ng bandang dumugtog doon.
Batay sa ulat, nagtungo ng Dagupan City ang nabanggit na babaeng pasyente noong February 12 para dumalo sa isang class reunion.
Pebrero 22 nang dumalo ito sa isang pang reunion sa lingayen bago bumalik ng manila noong Pebrero 23 saka lumipad ng australi noong Marso 3 kung saan nakumpirmang positibo na ito sa COVID-19.