Puspusan na ang pagtunton ng PNP CIDG sa mga nakasakay sa eroplano ng magkasintahang nagpositibo sa novel coronavirus acute respiratory disease (2019-nCoV ARD) kung saan isa dito ang nasawi.
Ayon kay Brigadier General Joel Coronel, hepe ng PNP CIDG hawak na nila ang manipesto ng mga eroplanong nasakyan ng magkasintahang Chinese national.
Sinabi ni Coronel na susubukan nilang tuntunin ang mga pasahero sa loob ng dalawang araw.