Gumaganda na ang contact tracing ratio sa Metro Manila.
Ito’y ayon kay Metropolitan Manila Development Authority Chairperson Benhur Abalos at sinabing sa ngayon ay nasa 1:19 na ang ratio ng contact tracing sa rehiyon.
Aniya, maituturing itong excellent, lalo at una nang sinabi ng Department Of Health na angkop na ang average na 1:15 ratio.
Sinabi pa ni Abalos na nagpapatuloy ang Metro Manila Council at Local Government Units sa ginagawang paghihigpit at pinaigting na contact tracing.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico