Tila bumagsak ang contact tracing system ng Pilipinas sa mga nakalipas na linggo.
Ayon ito mismo kay Contact Tracing Czar at Baguio City Mayor Benjamin Magalong sa gitna nang patuloy na pagsirit ng kaso ng COVID-19.
Sa pulong ng house committee on health ipinabatid ni Magalong na ang national contact tracing efficiency ratio ay bumagsak sa 1 is to 3 mula sa 1 is to 7 sa nakalipas na apat na linggo.
Sinabi ni Magalong na ang kapag ang ratio ay 1 is to 3.nangangahulugan itong na trce na ang mga kapamilya ng pasyente at hindi ang iba pa niyang contact.
Isa aniya sa mga dahilan nang pagbagsak ng contact tracing system ang kabiguan ng maraming local government units na gamitin ang uniformed data collection toll bukod sa ilang close contact data ay hindi maayos na na encode.