Mas maigting na contact tracing, testing at isolation measure ang ipatutupad sa Pasay City.
Ito’y upang tugunan ang tumataas na bilang ng kaso ng COVID-19 sa nasabing lungsod.
Ayon kay DOH-NCR Director Corazon Flores, sa pagtutulungan ng health authorities, opisyal ng lokal na pamahalaan at Metro Manila Development Authority para mapigilan ang lalo pang pagtaas ng bilang COVID-19 case sa lugar.
Napagkasunduan aniya na pagtutulung-tulungan ang pagpapatupad ng mas pinaigting na health protocols sa Pasay City.
Una rito sinabi ng Department of Health ang pagkolekta sa mas marami pang samples ng genome sequencing mula sa pasay para matukoy kung ang pagtaas ng transmission ba ay dahil sa bagong variant ng COVID-19.