Isinailalim sa fumigation ang mga container na naglalaman ng basura galing Canada.
Sa larawang ibinahagi sa twitter ni Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin Jr., makikitang isinasailaim sa fumigation ang mga container na naglalaman ng basura.
Ani Locsin ginawa ang proseso bago isakay sa barko ang mga container para maibalik sa canada sa lalong madaling panahon.
Sinabi ni Locsin dahil ito ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ay walang inaksayang oras ang pamahalaan.
Tinangka pa aniya ng pinoy na importer ng basura na ipaiwan ang 2 sa mga container dahil sa sentimental reason pero hindi ito pinagbigyan.
Ayon kay Locsin ang kaibahan ng administrasyon ni Pangulong Duterte sa nagdaang mga administrasyon ay kung may dumarating na basura sa bansa ay agad maipapabalik ng mabilis sa pinagmulan nito.