Kasado na rin ang mga contingency measure ng Meralco sa gitna ng mga agam-agam ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na kapusin ang supply ng kuryente sa mismong araw ng eleksyon.
Tiniyak ni Meralco Spokesman Joe Zaldarriaga na naka-pwesto na ang kanilang mga generator set at flood light .
Ginarantiyahan na rin ng Department of Energy (DOE) sa COMELEC na sasapat ang supply ng kuryente sa Lunes.
Nakiusap naman ang Meralco sa mga guro at mamamahala sa halalan na iwasang magdala ng ibang appliance upang hindi magkaroon ng overload sa kuryente.
Samantala, kinumpirma ni Zaldarriaga ang kanilang pagtalima sa kautusan ng Energy Regulatory Commission na i-refund ang 7.7 billion pesos na sobrang singil nila sa kanilang mga customer.