Nakahanda na ang Contingency Plan ng pamahalaan saka-sakaling mag-alburuto at pumutok ang bulkang Bulusan.
Ayon kay National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) Spokesperson Mark Timbal na mas mabuti nang handa sa mga darating na sakuna sa bansa.
Dagdag ni timbal, lahat ng munisipalidad at lokal na pamahalaan na nakapaligid sa bulkan ay mayroon nang karampatang kahandaan at paalala na ipinabatid ng NDRRMC.
Kabilang dito ang lahat ng evacuation centers ay dapat na laging handang magamit ng ating mga kababayan.
Sa ngayon aniya, patuloy na rin ang ginagawa nilang pagmo-monitor sa mga tinaguriang danger zone ng nasabing bulkan.