Siniguro ang konsulado ng Pilipinas sa Guam na handa silang umaksyon agad sakaling ituloy ng North Korea plano nitong pagpapasabog ng nuclear missile sa nasabing lugar.
Ayon kay DFA o Department of Foreign Affairs Spokesman Rob Bolivar, may nakalatag na contigency plan upang masiguro ang kaligtasan at seguridad ng mga Pilipino doon.
Sa ngayon aniya ay nananatili pang normal ang pang-araw-araw na buhay sa Guam ngunit inaabisuhan ang mga Pinoy doon na patuloy na makipag-ugnayan sa mga konsulada at lokal na gobyerno para sa updates.
Tinatayang 43,000 mga Pilipino ang naninirahan sa Guam.
Una nang nagbanta ang NoKor na atakihin ang nasabing teritoryo ng Amerika bilang sagot sa pahayag ni US President Donald Trump nahaharap ang Pyongyang sa fury at fire.
By Rianne Briones