Tiniyak ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) na may nakahanda silang contingency plans sakaling matinding maapektuhan ng paparating na bagyong Kammuri ang ilang mga venue sa 30th SEA Games.
Ayon kay PHISGOC Chairman at House Speaker Alan Peter Cayetano, may mga nakahanda pang venue para sa palaro sa Southern Luzon, NCR at Central Luzon.
Dagdag ni Cayetano, karamihan din aniya ng mga palaro ay gaganapin sa loob o indoor.
Gayunman, ipinagdarasal pa rin ni Cayetano na hindi na gaano pang lumaki ang bagyong Kammuri at hindi rin makaranas ng tuloy-tuloy na pag-ulan ang malaking bahagi ng Luzon sa panahon ng SEA Games.
Una nang sinabi ng PAGASA na posibleng direktang maapektuhan ng bagyong Kammuri ang malaking bahagi ng mga lugar na pagdarusan ng SEA Games mula December 3 hanggang 4.