Pinatitiyak ni Senator Nancy Binay na handa na ang pamahalaan sa contact tracing ngayong patungo na aniya ang umiiral na enhanced community quarantine sa general community quarantine.
Ani Binay dapat ay mayroon nang batalyon ng mga COVID-19 tracker para maiwasan ang pagkalat nito sa mga komunidad.
Sinabi ni Binay na dapat nang mabahala sa pagnipis ng bilang n mga health workers na katuwang sa pagalaban sa COVID-19.
Dahil dito mainam umano na magsanib pwersa na ang Department of Health (DOH), Department of Interior and Local Government (DILG), at mga local government units (LGUs) para bumuo ng isang special unit ng trackers.
Ito aniya ang magiging responsable sa pagtawag, pagbisita sa mga komunidad, at pag-interview sa mga indibidwal na nakasalamuha ng mga hinihinala at kumpirmadong COVID-19 carriers.