Naglunsad ng kilos-protesta ang ilang government employee upang dinggin ang kanilang mga panawagan ngayong may pandemya.
Sumugod ang ilang miyembro ng Social Welfare Employees Association of the Philippines (SWEAP) sa Maynila subalit hindi nakalapit sa Mendiola kaya’t sa kalsada na lamang nagprotesta.
Kabilang sa kanilang hirit ay wakasan na ang endo o kontraktuwalisasyon sa gobyerno lalo’t karamihan sa kanila ay magtatapos na ang mga kontrata sa December 31.
Ayon kay Alan Balaba, Pangulo ng SWEAP, kasinungalingan ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na natupad nito ang halos lahat ng kanyang mga ipinangako noong nangangampanya pa lang.
Bukod sa pagwawakas ng endo, dagdag-sahod din anya ang kanilang panawagan o kahit magkaroon ng mga benepisyo sa gitna ng COVID-19 pandemic.