Ipinaliwanag ni political analyst Professor Antonio Contreras ang argumento niya sa inihaing disqualification case laban kay Senador Grace Poe.
Binigyang diin sa DWIZ ni Contreras na hindi kasama sa bilang sa pagiging residente ng bansa ni Poe ang iginigiit nitong pagbalik niya ng Pilipinas noong July 2005 dahil balikbayan visa ang gamit nito mula sa Amerika.
Ayon kay Contreras, dapat ay kaagad i-winaive ni Poe ang kaniyang non-residence alien status.
AUDIO: Bahagi ng panayam kay Professor Contreras
By Judith Larino | Karambola