Nasa 107 mga dedicated control points na ang inilagay ng Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) sa buong bansa.
Ayon kay PNP Deputy Chief for Operations at Joint Task Force (JTF) COVID Shield Commander Lieutenant General Guillermo Eleazar, dahil sa mga control points mas bumilis na aniya ang biyahe ng mga cargo trucks.
Alinsunod na rin aniya ito sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na tiyaking mabilis ang pagpasok at paglabas ng mga kargamento lalu na ng mga food at medical supplies sa mga lugar na sakop ng enhanced community quarantine.
Sinabi ni Eleazar, 44 sa mga dedicated control points ang nasa Luzon, 26 sa Visayas, at 27 sa Mindanao.
Samantala, inaasahan namang madadagdagan pa ang mga dedicated control points ngayong aprubado na ang pagpapalawig sa ECQ hanggang Abril 30 —ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9).