Isang video ang kumakalat ngayon sa social media na tampok ang isang convention na ginanap sa isang hotel.
Sa unang tingin, aakalain mong mga magulang na may kasamang anak ang dumalo sa naturang pagtitipon, ngunit kung susuriin nang mabuti, makikitang peke ang mga dala nilang bata!
Tinatawag ang mga pekeng sanggol na ito na reborn doll.
Ang reborn doll ay isang hyper realistic doll na kadalasang inaalagaan ng mga babaeng walang anak. Karamihan sa kanila ay nakunan, namatayan ng anak, o kaya naman ay walang kakayahan na magkaanak.
Ayon sa mga eksperto, ang pag-aalaga sa reborn doll ay coping mechanism o isang paraan na ginagawa ng mga kababaihan upang maibsan ang kanilang kalungkutan.
Sa simpleng pagkarga, pag-aruga, at pagbibigay ng atensyon sa pekeng sanggol, napupunan kahit papaano ang puwang na dulot ng kawalan ng anak. Nagbibigay ito sa kanila ng kapayapaan at pag-asa.
Sa kabila ng kakaibang konsepto, hindi maikakailang may malalim na dahilan kung bakit pinipili ng ilang kababaihan ang pag-aalaga sa mga pekeng sanggol. Kaya’t bago manghusga, alalahanin natin na ang bawat isa ay may kanya-kanyang paraan ng pagharap sa hamon ng buhay.