Nagtatangka ang Converge ICT na makuha ang prangkisa ng Alaska Aces sa Philippine Basketball Association (PBA).
Nakikipag-usap na umano kay Alaska Team Owner Fred Uytengsu ang bilyonaryong si Dennis Anthony Uy para sa pagbili ng koponan sa professional league at positibo umano si Uy na tatanggapin ang Converge ICT ng labing isa pang miyembro ng PBA.
Nabatid na tinatayang P100M hanggang P200M ang kailangan para makakuha ng prangkisa sa PBA.
Samantala, matatandaan na inanunsyo ni Uytengsu noong Pebrero ang pag-alis ng Alaska sa pba matapos ang 35 taon sa liga. -sa panulat ni Mara Valle