Opisyal nang pumasok sa Philippine Basketball Association ang Converge, na nakabili sa prangkisa ng Alaska.
Ipinarada ng Converge ang Moniker ng kanilang magiging team na tinawag na Fiber Xers bilang isa sa nangungunang internet at telecommunication service provider sa bansa.
Pinangunahan ni Converge owner Dennis Anthony Uy ang official ceremony sa Mandaluyong City, kahapon.
Ayon kay Uy, nais nilang ibigay sa fans ang pinaka-mahusay na performance ng team sa unang araw na pagpasok ng Converge sa liga.
Samantala, nangako naman si PBA Commissioner Willie Marcial na tutulong ang Converge upang maging nangungunang basketball league sa Pilipinas.