Inilunsad ng SM City Baguio ang kakaibang mall setting facility nito na magko-convert ng tubig ulan bilang potable water bilang suporta sa water conservation at recycling efforts ng lungsod.
Ayon kay SM Supermalls Senior Vice President Bien Mateo, ang rainwater filtration facility ng SM City Baguio ay magsu-supply dito ng sapat na malinis na tubig na maaaring maipapamahagi sa mall tenants para sa iba’t ibang gamit tulad nang paghuhugas, paglilinis at ligtas na inumin para makabawas na rin sa water table at mas maraming supply nito ang mapakinabangan ng lungsod.
Bagama’t 1990’s pa nagsimula ang SM sa water recycling efforts nito sinabi ni Mateo na ang water saving innovation ay bahagi ng sustainability program ng SM Prime para sa responsableng paggamit at carbon footprint reduction.
Binigyang-diin ni Mateo na nag-i-invest ang SM sa water conservation technology para hindi masayang ang tubig at makagawa ng mahigpit na mga hakbangin para makabawas sa paggamit ng tubig.
Tiniyak ni Mateo ang patuloy na pagkakasa ng innovations upang mas marami pang tubig ang ma recycle at ma-filter ang tubig ulan sa lahat ng mga property at estates ng SM Prime kung saan patunay dito ang kabuuang 3.58 million cubic meters ng tubig ang na recycle sa lahat ng pag a ari ng SM Prime nuong 2022.
Nitong nakalipas na Hunyo ay nakapagtayo na ang SM Prime ng water catchment basins sa 25 malls bilang tulong kontra baha at soil erosion sakaling bumuhos ang matinding ulan.
Ang rainwater catchment system na itinayo sa SM City Baguio ay maaaring makapag-convert ng 51 million liters ng tubig ulan sa loob ng isang taon base na rin sa PAGASA rainfall volume ng Baguio City sa taong 2022 at katumbas ito ng 20 olympic size swimming pools, 13.4 million gallons ng inuming tubig, halos 374,000 panligo o full baths at mahigit 672 shower.
:Paano mangyayari ang conversion ng tubig ulan bilang potable water?”
panuorin ang video na ito: Https://fb.watch/lemoyvs1kv/?Mibextid=5evwnk
Nakokolekta ng isang tangke ang mga bumubuhos na tubig ulan na isinasailali sa treatment para sa muling paggamit dito o reuse sa loob ng mall.
Para ligtas na magamit ang tubig ulan ang nasalo nakuhang tubig ng tangke ay dadaan sa 6 step treatment processes na kinabibilangan ng multimedia filtration, water softener, activated carbon, ultra filtration, reverse osmosis at ozonization bago tuluyang maipamahagi ang treated rainwater bilang supply sa mall tenants at magamit sa paghuhbugas, paglilinis at maging pag inom.
Dahil sa nasabing sistema kinilala ng DENR-Cordillera Administrative Region ang efforts ng SM City Baguio sa pagkakasa ng long term solution sa gitna nang tumitindong concern hinggil sa water security.
Nagpasalamat si DENR Car Director Engr. Jean Borromeo sa SM Prime sa pagtulong nito na maresolba ang concern ng Baguio City sa paghahanap ng mga paraan para manatiling sapat ang supply ng tubig sa lungsod at makaagapay sa pinakamalaking environmental threat sa tinaguriang Summer Capital of the Philippines.
Inihayag ni Engr. Borromeo na malaking tulong ang nasabing sistema ng SM Prime at hindi lamang nito iniisip ang makakabuti sa kanilang shoppers kundi tinututukan ang kahalagahan ng water security upang mas maraming supply ng tubig ang mapakinabangan ng mga taga-Baguio City.
Ang naturang hakbangin ayon sa SM Prime ay bahagi na rin ng kanilang commitment na suportahan ang united nations para maabot ang Sustainable Development Goals (SDG) kabilang ang SDG 6 na clean water and sanitation SDG 9: Industry, Innovation and Infrastructure SDG 11: Sustainable Cities and Communities, SDG 12: Responsible Consumption and Production at SDG 13: Climate Action na naglalayong masiguro ang availability at sustainable management ng tubig at sanitation para sa lahat.