Kabilang di umano ang big time drug lord na si Jaybee Sebastian sa mga miyembro ng tinaguriang ‘Bilibid 19’ na nasawi sa New Bilibid Prisons (NBP) dahil sa COVID-19.
Ito ang ipinabatid ng isang mapagkakatiwalaang source sa DWIZ patrol kasunod ng ulat hinggil sa pagkakasawi rin ng walo pang high profile inmates ng NBP na una nang ibinunyag ni Senate President Vicente Tito Sotto III.
Nakasaad sa nasabing impormasyon na mismong si Bureau of Correction (BuCor) spokesman Asec. Gabriel Chaclag ang nagkumpirma ng impormasyon kung saan, sinabi nito na mayruong mild COVID-19 si Sebastian.
Ilang linggo na umanong nanatili sa Site Harry sa Building 14 ng maximum security compound si Sebastian kasama ang iba pang mga inmate na may mild symptoms ng nasabing virus.
Samantala, inilabas ng isang opisyal ng Panteon de Dasmariñas ang larawan ng di umano’y abo ni Sebastian matapos itong ma-cremate gabi nitong Sabado, Hulyo 18.