Patay ang tinatayang 20 katao matapos bombahin ang isang convoy ng mga truck na may dalang humanitarian aid sa Aleppo, Syria.
Napuruhan ang 18 sa 31 truck na may kargang warehouse storing aid para sa mahigit 70,000 tao.
Ang pag-atake ay naganap ilang oras matapos ideklara ng Syrian government na nagtapos na ang tigil-putukan na idineklara noong Setyembre 12.
Inakusahan naman ng Estados Unidos ang Russian warplanes na siya umanong may kagagawan ng pambobomba.
Ayon sa International Committee of the Red Cross, kabilang sa mga nasawi ang direktor ng Red Crescent na si Omar Barakat.
Agad namang kinondena ni United Nations Secretary General Ban Ki-Moon ang nabanggit na pag-atake.
By Jelbert Perdez
Photo Credit: Reuters