Magsisimula na bukas ang coordinated patrol ng gobyerno ng Pilipinas at Indonesia sa Naval Station Felix Apolinario sa Panaca, Davao City.
Ipinabatid ito ni Major Ezra Balagtey, Spokesman ng Eastern Mindanao Command sa gitna na rin nang pagdating ngayong araw na ito ng Indonesian delegates sa Sasa Wharf.
Ayon kay Balagtey, magsisimula ang pagpapatrolya sa pamamagitan ng isang send-off ceremony sa Huwebes sa Sasa Wharf.
Itinakda na rin ang medical mission ng military medical personnel sa kanilang stop over sa Balut Island sa Saranggani, Davao Occidental sa July 7 katuwang ang local government unit.
Magtatapos sa July 12 ang coordinated patrol at isasagawa naman sa Manado, Indonesia ang closing ceremony.
By Judith Larino
Coordinated patrol ng Pinas at Indonesia aarangkada na was last modified: July 3rd, 2017 by DWIZ 882