Pumalo na sa higit P8-milyong halaga ng food packs ang naipamahagi ng Police Regional Office ng Cordillera sa harap ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) crisis.
Ayon sa tagapagsalita ng naturang Police Regional Office na si Major Carolina Lacuata, ang naturang halaga na ginamit sa kanilang relief operation na “Kapwa Ko, Sagot Ko” ay nagmula sa mga sweldo ng mga pulisyang kabilang sa grupo.
Dagdag pa ni Lacuata, ito’y paraan nila para makapagbigay ng kaunting tulong sa mga pamilya sa naturang probinsya na naapektuhan bunsod ng ipinatutupad ng health protocols kontra virus.
Kasunod nito, sa pinakabagong tala, kabuuang 11,796 na pamilya na ang naabutan ng tulong ng naturang relief operation.
Nauna rito, namahagi rin ang mga miyemro ng relief operation na binubuo ng mga kawani ng Cordillera Police Regional Office ng higit 1,000 facemasks, at ilang mga libreng sakay sa naturang probinsya.