Isinailalim sa red alert status ang emergency operation center ng Cordillera Regional Disaster Risk Reduction and Management Council simula pa kahapon.
Samantala, nakataas din sa red alert status ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council ng Abra at Apayao.
Gayundin ang Buguias at Tuba Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council sa lalawigan ng Benguet at ang Baguio City Disaster Risk Reduction and Management Council.
Ayon sa Office of the Civil Defense-Cordillera, ito ay para makapaghanda ang mga nasabing opisina sa epekto ng bagyong Huaning at ng habagat.
Kasabay nito, hinigpitan pa cordillera RDRRMC ang kanilang koordinasyon sa lahat ng lokal ng pamahalaan at kaukulang ahensya para sa pag-aalerto ng mga ito.
Zero casualty
Nakapagtala ng zero casualty ang NDRRMC o National Disaster Risk Reduction and Management Council sa buong bansa sa pananalasa ng bagyong Gorio na pinalakas ng habagat.
Samantala nasa mahigit 2,700 katao ang apektado ng malakas na ulan sa Metro Manila at mga karating probinsya dala ng habagat.
Batay sa datos ng NDRRMC, 639 na o katumbas ng higit 2,700 katao ang apektado ng pag-ulan hatid ng habagat sa Metro Manila, Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon and CALABARZON.
Pumapalo naman sa 503 katao ang nananatili sa limang evacuation centers.
By Arianne Palma