Kinumpirma na ng Commission on Appointments ang Ad Interim Appointments nina Migrant Workers secretary Susan Ople at Commission on Audit chairman Gamaliel Cordoba.
Magsisilbi si Ople bilang unang kalihim ng bagong-tatag na Department of Migrant Workers hanggang matapos ang termino ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., habang uupo si Cordoba bilang chairman ng COA hanggang Pebrero a – 2 taong 2029.
Sa kabila nito, sinunspinde naman ang deliberasyon sa Ad Interim Appointment ni Raphael Lotilla bilang Energy secretary.
Sinuspinde ni Senate President Pro Tempore Loren Legarda, chairperson ng CA Committee on Energy ang hearing batay sa mosyon ni Senator JV Ejercito.
Ito’y dahil sa nawalan na ng sapat na oras at marami pang miyembro ng komisyon ang nakalinyang magtanong sa mga usaping may kaugnayan sa enerhiya. —ulat mula kay Cely Ortega Bueno (Patrol 19)