Kontaminado na ng Fecal Coliform o ang bacteria na nagmumula sa dumi ng tao at hayop ang baybayin ng Coron sa Palawan kaya’t hindi na ito maituturing na ligtas.
Ito ang lumabas sa pagsusuri ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) kung saan, tinukoy ang mga Barangay 1,2,5, Barangay Tagumpay at Reclamation Area na apektado ng nasabing bacteria.
Batay sa isinagawang sampling ng DENR sa tubig ng Coron Bay nuong Nobyembre ng nakalipas na taon, aabot sa 25,000 ang total coliform na nakuha sa tubig ng limang barangay na mas mataas sa standard na 100 Most Probable Number (MPN) per 100 Mili-liters.
Isinisi ng DENR sa dikit-dikit na kabahayan na binubuo ng isanlibong informal settlers gayundin ng iba’t ibang establisyemento na nakatirik sa mga nabanggit na barangay ang pagdumi ng tubig sa kanilang lugar.