Sumampa na sa 534,271 ang bilang ng gumaling sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Ito’y matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng karagdagang 9,418 na nakarekober sa virus.
Sa huling case bulletin ng DOH pumalo na sa kabuuang 576,352 ang kaso ng coronavirus sa Pilpinas, matapos nakapagtala ng 2,113 bagong nahawaan ng sakit.
Batay sa datos nailabas ngayong araw, Pebrero 28 nasa 29,763 naman ang mga aktibong kaso.
Samantala, umakyat sa 12,318 na ang death toll sa bansa matapos madagdagan ng 29 ang nasawi sa virus. —sa panulat ni John Jude Alabado
JUST IN: Kaso ng COVID-19 sa bansa, nadagdagan pa ng 2,113 ngayong Linggo, Pebrero 28.
Pumalo na sa kabuuang 576,352 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Mayroon namang 29,763 naitalang active cases. | https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/olvDCP7c7b
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) February 28, 2021