Patay ang isang 29-anyos na corrections personnel ng Bureau of Corrections (BuCor) matapos umanong mag-suicide sa loob mismo ng compound ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.
Ayon sa isang source ng DWIZ Patrol, naka-duty ang hindi pinangalanang BuCor officer nang mangyari ang insidente.
Sa imbestigasyon, nakita ang katawan ng biktima sa NBP Gola-7 sa Camp Sampaguita na may tama ng bala sa ulo.
Hinihinalang ginamit ng biktima ang sariling service firearm na 9mm sa kanyang pagpapatiwakal.
Ngunit inaalam din ng mga awtoridad kung may naganap na foul play sa pagkamatay ng naturang BuCor employee.