Nasa kamay pa rin ng Pangulong Rodrigo Duterte kung masasampahan ng kaso ang mga opisyal ng pamahalaan na iniimbestigahan ngayon ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC).
Tinukoy ni PACC Commissioner Greco Belgica ang dalawang miyembro ng gabinete ng pangulo at ang mga opisyal ng Phil. Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Sinabi ni Belgica na gagawa sila ng rekomendasyon para sa Pangulo sa sandaling matapos ang kanilang imbestigasyon.
Ang problema kapag hindi ka nagbabayad ng tama yung dapat napupunta sa charity napupunta sa indibwal, mga taong nakikinabang dun sa game. Yun po, they will be allowed to explain themselves when we finally completed and ready to file these charges against them,” ani Belgica.
Samantala, dahil massive corruption ang pagkakalarawan ng Pangulong Rodrigo Duterte sa PCSO iimbestigahan nila ang lahat ng opisyal ng ahensya mula sa pinakamataas hanggang sa pinaka mababa.
Open secret naman po yang anomalya sa submission or sa intrega na dapat para sa gobyerno parang sino-short nung mga may hawak ng mga franchise. Yun ang ibi-build namin ng evidence, yun po ang tinitignan namin kung yun ang pinagsa- subpoena naming mga records, yung mga kontrata,” ani Belgica.
Ratsada Balita Interview