Matatandaang kontrobersyal ang 80-kilometer North Luzon Railways Corporation o Northrail project na inilunsad sa ilalim ng administrayon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. Layon sana ng Northrail project na ipagdugtong ang Caloocan City sa Clark, Pampanga ngunit ipinatigil ito dahil sa mga alegasyon ng corruption and bribery.
Ngayon, ginawan ito ng aksyon ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa pamamagitan ng Memorandum Order No. 17 na inisyu nitong October 19, 2023.
Sa ilalim ng nasabing memorandum, matapang na ipinag-utos ni Pangulong Marcos Jr. ang pagbuwag sa nasabing proyekto. Agad naman itong naging usap-usapan sa social media.
Popondohan sana ng China ang Northrail project ngunit nabahiran ito ng alegasyon ng overpricing. Mula sa budget na $503 million, naging $2 billion ito kaya nagsagawa ng review sa kontrata sa pagitan ng Northrail at China National Machinery and Equipment Corp. Group.
Ayon sa memorandum, ito ang mga dahilan kung bakit ipinabuwag ang Northrail project:
- not producing desired outcomes
- no longer achieving the objectives and purpose for which it was designed and created
- not cost efficient and does not generate the level of social, physical and economic returns vis-a-vis the resource inputs
Dahil sa mga nabanggit, nagpasya ang Governance Commission for Government-owned and -controlled Corporations (GCG) na buwagin ang Northrail project sa bisa ng Section 5a ng Republic Act No. 10149 o GOCC Governance Act of 2011.
Imo-monitor ng GCG ang pag-abolish sa Northrail project. Ipinag-utos naman ni Pangulong Marcos Jr. sa administrator at liquidator na Bases Conversion and Development Authority (BCDA) na ayusin lahat ng liabilities dito, kabilang na ang pagbabayad sa separation incentive pay sa mga apektadong opisyal at tauhan.
Inatasan din ang BCDA na ibigay sa Commission on Audit ang original copies ng corporate books of account at financial records ng Northrail project.
Patuloy namang mangangasiwa ang Department of Transportation sa mga programa at aktibidad na may kaugnayan sa liquidation at pagsasara nito.
Dahil sa aksyong ito ni Pangulong Marcos Jr., pinatunayan niyang walang lugar sa administrasyon niya ang mga proyektong hindi mapapakinabangan at may bahid ng korapsyon.