Laganap na rin sa Costa Rica ang mosquito-borne tropical disease o mas kilala sa tawag na “zika virus”.
Ito’y matapos kumpirmahin ng Costa Rican Health Ministry na nagposibito sa zika virus ang isang 25-anyos na lalaki makaraang manggaling sa kanyang trip sa Columbia, kung saan mahigit 11,000 katao na ang infected ng naturang virus.
Nabatid na nagpapagaling na ang nasabing pasyente sa kanilang tahanan sa San jose, Costa Rica.
Una nang ibinabala ng World Health Organization o WHO na kakalat ang nasabing virus sa mga bansa sa America, maliban sa Canada at Chile.
By Meann Tanbio