Binulabog ng dalawang pagasabog ang bayan ng Tulunan sa lalawigan ng Cotabato ilang oras lamang matapos magbukas ang mga voting precincts para sa barangay at Sangguniang Kabataan elections.
Ayon kay Cotabato Provincial Police Office Spokesperson Supt. Bernard Tayong, naganap ang unang pagsabog sa Purok 7 barangay Dangus dakong alas-10:30 ng umaga.
Matapos ang isang oras, nagkaroon naman ng pagsabog ilang kilometro lamang ang layo sa unang blast site.
Sinabi ni Tayong, hindi pa nila natutukoy ang grupong nasa likod ng pagpapasabog at motibo nito bagama’t hindi nila inaalis na may kaugnayan ito sa eleksyon.
Wala naman napaulat na nasugatan sa nasabing pambobomba.
—-