Niyanig ng magkasunog na pagsabog ang Cotabato Province.
Ayon kay Cotabato-PNP Spokesman Supt. Bernard Tayong, sumabog ang isang Improvised Explosive Device o IED sa national highway sa Purok Mirasol, Barangay Polomoguen sa bayan ng Midsayap bandang alas-10:30 kagabi.
Sinundan ito ng panibagong pagsabog sa bayan ng Aleosan bago maghating-gabi.
Wala namang napaulat na casualty sa naturang pagsabog.
By Meann Tanbio