Binulabog ng pagsabog ang Cotabato City mag-a-alas diyes kagabi.
Ipinabatid ni Cotabato City Police Director Col. Michael Lebanan na isang granada ang sumabog sa LR Sebastian St. na inihagis umano ng dalawang suspek na sakay ng motorsiklo.
Walang nasugatan sa pagsabog bagama’t nagdulot ito ng takot sa mga sibilyan.
Tuluy-tuloy naman ang imbestigasyon ng Cotabato City-PNP sa nasabing insidente.