Tinawagang pansin ng Human Rights Commission ang isang alkade sa Cotabato City matapos nitong ibalandra sa social media ang mukha ng mga umano’y suspek sa pangho-holdap at pagnanakaw sa kanilang lungsod.
Ngunit nanindigan si Cotabato City Mayor Cynthia Guiani-Sayadi na walang mali sa kaniyang ginawa.
Batay sa ulat nasampahan na ng kaukulang kaso ang naturang mga suspek ngunit patuloy nilang itinatanggi ang akusasyon.
Bukod dito ikinasama rin ng loob ng mga suspek ang ginawa ng alkalde na ilagay sila sa Facebook Live.
Ngunit iginiit ni Sayadi na ang mahalaga ay dumadaan pa rin ang mga suspek sa due process.
Sa panig naman ng Cotabato Police Office, kanila umanong ipinagbabawal ang pag-display ng mukha ng mga suspek sa social media ngunit sa ginawa ni Mayor Sayadi ay discretion na umano ito ng alkalde.
—-