(Updated)
Muli na namang pinasabugan ang tower ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa Cotabato.
Ayon kay Cotabato Police Provincial Office Senior Superintendent Alexander Tagum, 2 bomba ang pinasabog sa Tower 63 na matatagpuan sa Purok 4 Barangay Pagangan sa Bayan ng Alesoan.
Nabigo naman na mapabagsak ang naturang tower dahil dalawa lamang sa apat na poste nito ang na-damage.
Ilan na ring mga tower ng NGCP ang pinasabog ng mga rebeldeng nuong makaraang taon dahil umano sa extorsion.
Naunang pag-atake
Samantala, kagagawan ng ilang armadong grupo ang pagsabog sa lalawigan ng Cotabato.
Ayon sa mga otoridad, sumabog ang isang IED o Improvised Explosive Device na gawa sa isang kilo ng pako, blasting caps at pulbura sa gilid ng kalsada alas-10:30 ng gabi sa Purok Mirasol, Brgy. Polomoguen, Midsayap, North Cotabato.
Walang nasugatan sa pagsabog subalit nagdulot ito ng takot sa mga residente.
Naniniwala ang mga residente na posibleng pasasabugin ang bomba sa kapistahan ng bayan ng Midsayap kasabay ng Halad Festival ng patron Sto. Niño subalit hindi nakalusot ang mga suspek at sa halip ay iniwan na lamang ang IED.
Dahil dito, nakataas ang heightened alert sa probinsya ng Cotabato.
By Rianne Briones | Judith Larino