Inihayag ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na unti-unti nang aalisin ang mga countdown timer sa mga stoplight bilang paghahanda sa bagong teknolohiya.
Batay sa ulat, ang ipapalit ng MMDA ay mga traffic signal na gagana base sa detector na magtutuos ng traffic volume sa isang kalsada.
Ayon kay MMDA Traffic Engineering Center Traffic Signals Operations and Maintenance Group Chief Francisco Pesino Jr., ilang mga stoplight na ang gumagamit ng detector.
Gayunman, hindi aniya nila lubusang maalis ang mga countdown timer dahil sa proyekto ng MMDA.