Inaasahang mamayang gabi pagkagaling niya ng Singapore, iaanunsyo no Pangulong Rodrigo Duterte ang tinutukoy na course of action sa usapin sa Kuwait.
Ayon ito kay Presidential Spokesman Harry Roque, kasunod nang nakatakdang pagbalik sa bansa ng Pangulo.
Diretso na sa Davao City pasado alas otso mamayang gabi matapos dumalo sa 32nd ASEAN Summit.
Sinabi ni Roque na ang nasabing hakbangin ay pinagpasyahan mismo ng Pangulo para tugunan ang gusot sa Kuwait.
Magugunitang nagalit ang Kuwaiti government at pinalayas si Philippine Ambassador Renato Villa dahil sa ginawang pag rescue ng embassy officials sa distressed overseas Filipino workers at ang video nito ay kumalat pa sa social media.