Sumalang sa public interview ng JBC o Judicial and Bar Council ang dating tagapagsalita at ngayo’y Administrador ng Korte Suprema na si Atty. Jose Midas Marquez.
Ito’y para sa mga aspirant na hahalili kay Supreme Court Associate Justice Bienvenido Reyes na nakatakdang magretiro sa Hulyo 6.
Kasama sa mga naitanong kay Marquez ang hinggil sa usapin kung may pangangailangan ba ang joint session ng Kongreso para pag -usapan ang idineklarang Martial Law sa Mindanao.
Maliban kay Marquez, sumalang din sa public interview ang 12 aspirants para maging Associate Justice ng high tribunal tulad ni court Of Appeals Associate Justice Apolinario Bruselas, Rosmari Carandang, Stephen Cruz, Ramon Bato, Appellate Court Presiding Jude Andres Reyes, Jose Reyes at Ramon Paul Hernando.
By: Jaymark Dagala / Bert Mozo