Pinalagan ng kampo ng mga Pharmally executives ang kanilang patuloy na pagkakadetine sa Pasay City Jail at ang tila malamyang aksyon ng Court of Appeals (CA) sa kanilang inihaing writ of Habeas corpus petition.
Sa isang press conference, sinabi ni Pharmally Legal Counsel Atty. Ferdinand Topacio na Nobyembre 2021 nang maghain sila ng petisyon sa CA, makalipas ang 5 buwan o nito lamang Marso 1, 2022 nagpalabas ng desisyon ang CA 5th Division sa ilalim nina Associate Justices Apolinario Bruselas Jr., Filomena Singh at Bonifacio Pascua.
Ayon kay Topacio, sa resolusyon ng CA 5th Division ay sinabi nitong moot and academic na ang habeas petition ni Pharmally President Twinkle Dargani dahil pinalaya na ito ng Senado habang sa parehas na petisyon ni Pharmally Secretary Mohit Dargani ay nakapagtatakang wala itong desisyon.
“No further action need to be taken with respect to petitioner Twinkle Dargani, the petition as to her having been rendered moot and academic. Thus her petition is dismissed,” saad sa 2-pahinang resolusyon ng CA 5th Division na walang banggit sa kaso naman ni Mohit Dargani.
Ani Topacio, sa 30 taon niya bilang abogado ay ngayon lamang siya nakakita na 5 buwan inabot bago maglabas ng resolusyon sa writ of habeas corpus na dapat ay 48 oras lamang at sa ipinalabas na resolusyon ay wala ding desisyon sa kaso ng kanyang kliyente.
“Ang principle ng habeas corpus ay mabilisan ito because it deals with the person’s right to liberty. We are going public now with this issue kasi unusual na, its really unbearable, they have been languishing in jail for 5 months without any case filed against them in court,” paliwanag ni Topacio.
Sinabi ni Topacio na sa naging pagdinig sa Senado ay hindi nabigyan ng pagkakataon ang kanyang mga kliyente na dumepensa o basahin man lamang ang kanilang statement at agad na kinasuhan ng contempt, nagpasaklolo sila sa CA ngunit wala ding aksyon.
“Remember only the three showed up and tried to give their testimony but were forbidden to speak up and give their side of the story. The Senate records will show that they were not even allowed to read their statements prior to the start of the hearings.Even more interesting is that the two remaining Pharmally executives have been treated worse than convicted criminals — limited to no visitation rights, limited interactions and communications with their lawyers among other things, and they have not been charged with any crime.” giit pa ni Topacio.
Ang magkapatid na sina Mohit at Twinke Dargani at si Pharmally Director Linconn Ong ay matatandaang pinatawan ng contempt ng Senado sa kasagsagan ng pagdinig ng Pharmally mess noong nakaraang taon, tapos na ang Senate hearing ukol sa issue subalit patuloy na nakapiit sina Mohit at Ong sa Pasay City Jail habang si Twinkle ay pinalaya bilang humanitarian consideration
Sinusuportahan nina Senate President Tito Sotto, Sen Ping Lacson at House Committee on Good Government and Public Accountability Chairman Michael Aglipay ang panawagan na palayain na ang Pharmally executives dahil tapos na ang pagdinig ng Senado at Kamara sa usapin ngunit hindi pa rin iniuutos ng Senate Blue Ribbon Committee sa ilalim ni Sen Dick Gordon ang pagpapalaya sa mga ito.
Pinunto pa ni Topacio na mismong si dating Presidential Anti-Corruption Commission Chair Greco Belgica ang nagsabi na ang Commission on Audit sa ilalim ni COA Chairman Mike Aguinaldo ay walang nakitang iregularidad sa pagbili ng mga COvid 19 supplies ng Pharmally.