Inabswelto ng Court of Tax Appeals si dating Pangulo at ngayo’y Manila Mayor Joseph Estrada mula sa kanyang 2.9 billion pesos na tax evasion case.
Maliban dito, ibinasura din ng korte ang petition for review ng Bureau of Internal Revenue o BIR dahil sa kabiguan ng mga ito na bigyan ng pagkakataon si Estrada na sagutin ang kinahaharap nitong kaso.
Giit pa ng korte, hindi lang dapat gawing batayan ng BIR ang ginawang paghatol kay Estrada ng plunder upang patawan ito ng buwis.
Matatandaang, ipinag-utos ng BIR noong 2008 na magbayad si Estrada at ang kanyang maybahay ng 2.9 billion pesos na tax liabilities mula sa Jose Velarde account na pagmamay-ari umano ng dating Pangulo batay na rin sa hatol na plunder ng Sandiganbayan laban dito.
—-