Ipinauubaya na sa susunod na administrasyon ng Malacañang kung may pangangailangan pang magsumite ng courtesy resignation ang mga appointed officials sa ilalim ng duterte administration.
Ayon kay acting presidential spokesman Martin Andanar, ang pag-papasya kung kailangan pang pormal na magbitiw ang mga opisyal na inappoint ni Pangulong Rodrigo Duterte ay naka depende na sa bagong administrasyon.
Sinabi rin ng kalihim na hindi na kailangang magsumite pa ng resignation ng mga opisyal at kawani ng gobyerno na coterminous.
Aniya, otomatiko ba na matatapos ang termino ng mga co-terminus sa june 30 kasabay ng pagbaba sa puwesto ni Pangulong Duterte.